-- Advertisements --

Nagbabala ang mga health workers sa private hospitals at medical institutions sa bansa ng “medical lockdown” at mass resignation dahil sa mababang pasahod at kakulangan ng benepisyo.

Ayon kay University of Santo Tomas (UST) Hospital union president Donnel Johan Siason na labis na nadidismaya ang mga health workers sa mga private sectors dahil sa hindi parehas ang tinatanggap na benepisyo gaya sa natatanggap ng mga nasa pampublikong pagamutan.

Ilan sa mga benepisyo ay ang life insurance, paid residence, free transportation, free food, hazard pay at medical allowance na nakalaan sa mga health workers sa bansa sa ilalimn ng Bayanihan Act2.

Ilang mga health workers gaya ng mga medical technicians ay hindi kasama sa listahan ng mga medical frontliners na dapat ay mabigyan rin sila ng benepisyo.

Dahil dito ay ipinapanukala ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na ilaan sa mga health workers ng private sectors ang hindi nagamit na pondo ng Bayanihan Act 2 na nagkakahalaga ng P18 bilyon.