MANILA – Kinontra ng grupong Alliance of Health Workers (AHW) ang umano’y kawalan ng suporta ng Department of Health (DOH) sa mga medical frontliners ngayong COVID-19 pandemic.
“The law is selective which deceives and divides our ranks. It does not show its recognition for health workers’ sacrifices for helping in the mitigation of COVID-19,” ani Robert Mendoza, AHW National President.
Partikular na pinuna ng grupo ang hindi raw patas na probisyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2). Sa ilalim kasi nito, tanging mga healthcare workers na nagbibigay ng direktang serbisyo sa COVID-19 patients ang makakatanggap ng “special risk allowance.”
Habang ang “active hazard duty pay” ay para lang sa mga human resources for health na kinuha lang para maging dagdag pwersa ngayong pandemic.
Ayon sa grupo, nililito at pinapaasa ng pamahalaan ang mga health care workers dahil sa hindi patas na pamamahagi ng benepisyo.
“As we enter the hospital gate, the threat of being infected due to COVID-19 is already there since this virus is an aerosol-borne. In a hospital setting, the virus does not select who and where to infect. Some of our ranks in non-COVID-19 areas and wards are infected even if the patient has been screened before,” giit ni Ernesto Bulanadi, presidente ng Tondo Medical Center Employees Association-AHW.
“Where is the DOH’s concern for health workers during this difficult time of pandemic and health crisis, when one of our feet is already buried in the grave to help our government mitigate this virulent disease? We are not given with even a slightest benefit as a token recognition for the dangerous threat to our safety and lives,” dagdag ni Bulanadi.
Apela ng AHW, dapat ibigay ng pamahalaan sa lahat ng healthcare workers, naka-duty man sa pribado o pampublikong pagamutan, laboratoryo, at iba pang health facilties, ang special risk allowances at active hazard duty pay.
“Regardless of their security of tenure and nature of their work in their respective workplaces,” nakasaad sa AHW statement.
Nitong Lunes nang mag-kilos protesta ang AHW at mga miyembro nito sa tapat ng tanggapan ng Department of Health (DOH) para ipanawagan ang kanilan reklamo.
Paliwanag ng Health department, hindi naman nagkukulang ang gobyerno sa pagbibigay ng nararapat na benepisyo ng medical frontliners. Hamon lang daw talaga ang limitadong budget kaya kailangang hatiin ang prayoridad na makakatanggap ng naturang mga benepisyo.
“Una lagi namin sa listahan ang healthcare workers, pero siyempre kapag gumagawa ng batas at polisiya ang ating lawmakers at ang mga ahensya, tinitingnan din nating yung resources na mayroon tayo,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“Hindi natin naisama yung ibang healthcare workers sa ospital, pero kailangan niyo maintindihan na mayroon kayong existing hazard pay na nakukuha aside from other benefits that government is providing,” dagdag ng Health spokesperson.
As of December 6, 2020 nasa 12,837 healthcare workers na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Mula sa kanila, 12,592 na ang gumaling. Pero 76 ang namatay.