-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na ang kapasidad ng healthcare system ng bansa ay nananatiling nasa mababang antas sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga bagong impeksyon sa COVID19.

Nabanggit ng DOH na ang mga respiratory illnesses, tulad ng influenza at Covid-19, ay inaasahang tataas ngayong panahon ng tag-ulan at mas malamig na mga buwan.

Ito rin ay matapos na makapatala ang departamento ng 1,821 bagong impeksyon sa COVID-19 mula Disyembre 5 hanggang 11, na higit sa bilang ng mga kaso na naiulat noong nakaraang linggo.

Ang pinakahuling bilang ng DOH, ay nangangahulugan ng pang-araw-araw na average na 260 na mga kaso, na 36 porsiyentong mas mataas kaysa sa rate na naitala noong nakaraang linggo.

Hinihikayat ng DOH ang lahat na magsagawa ng indibidwal na pagsusuri sa sarili at, kung kinakailangan, gumamit ng karagdagang mga layer ng protection tulad ng masking, pagtiyak ng sapat na bentilasyon, pati na rin ang pagpapabakuna at pagpapalakas para sa karagdagang proteksyon laban sa impeksyon o malubhang sakit lalo na ngayong kapaskuhan na inaasahan ang reunion o pagsasama pagsasama-sama ng mga pamilya o mga kaibigan.