-- Advertisements --
image 556

Ibibigay ng Pilipinas ang unang batch ng bivalent COVID-19 na mga bakuna sa mga healthcare worker at senior citizen, ayon sa Department of Health.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang mga indibidwal ay karapat-dapat para sa omicron-targeted jabs kung ito ay apat na buwan mula noong kanilang pinakahuling pagbabakuna.

Aniya, gagamitin muna ng departamento ang mga nasabing bakuna sa pangunahing priyoridad dahil ang mga jabs ay hindi magiging sapat para sa lahat ng nasa kategorya ng A1 hanggang A3.

Ang ahensya ay nakakuha ng 1,002,000 milyong doses ng mga bivalent na bakuna ng Pfizer mula sa pasilidad ng COVAX na international vaccine-sharing scheme na suportado ng United Nations.

Ang mga bivalent na bakuna ay mga binagong jabs na nagta-target sa variant ng omicron at ang orihinal na anyo ng virus.

Naisapinal na rin ng Department of Health ang operational guidelines sa paggamit ng naturang bivalent vaccines.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang bilang na 73.8 milyong mga Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa virus na COVID-19.