Patok ngayon sa British Columbia sa Canada ang espesyal na custom-made na hearing aid na inspired sa isinuot noon na ear cuff ni Ms. Catriona Gray, nang manalo ng Miss Universe pageant noong 2018.
Sa report ng CBC News ang may gawa raw ng desinyo ng hearing aid ay si Ruzzelle Gasmen, isang Vancouver speech pathologist.
Si Gasmen ay may problema rin sa kanyang pandinig kaya alam niya ang mga taong walang hearing aid.
Inamin naman ni Gasmen na ang kanyang mga disenyo sa mga hearing aid ay nakuha niya sa kanyang Filipino heritage.
Sinasabing ang isa raw sa pinakamabenta at popular na styles na hearing aid ay hawig sa ear cuff noon ni Catriona.
Isa pang desinyo na popolar din at palaging inoorder ay nakabasi raw sa pakpak ng aswang o manananggal na mula rin sa mga kuwento ng mga Pinoy.
Ang ganitong mga desinyo ng hearing aid ay napakamahal sa British Columbia.
kaya naman ang iba raw sa mapagbebentahan ay ibibigay na donasyon na mga taong hindi kayang magkaroon ng hearing aids.