-- Advertisements --

Nasa anim na provincial bus firms ang ini-isyuhan ng “show-cause orders” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pinagpaliwanag ang mga kompaniya kung bakit libo-libong mga pasahero ang naiwan nitong linggo sa mga istasyon ng bus sa Pampanga.

Nilabag umano ng mga sumusunod na provincial bus operators ang kanilang Certificate of Public Convenience na kinabibilangan ng Victory Liner Inc.; Genesis Transport Service Inc.; Bataan Transit Bus Co. Inc.; Five Star Bus Inc.; First North Luzon Transit Inc.; at Maria De Leon.

Napag-alaman ng mga awtoridad na wala umanong biyahe ang nasabing mga bus operator sa Maynila sa mga sumusunod na terminal sa Pampanga, dahilan para ma-stranded ang libu-libong pasahero mula sa Dau Terminal, Mabalacat, Pampanga; Robinson Mall Terminal, San Fernando City, Pampanga; Victory Liner Terminal, San Fernando City, Pampanga; Bataan Transit Terminal, San Fernando City, Pampanga; Genesis Terminal, San Fernando City, Pampanga at Bus Stop sa Mexico, Pampanga.

Gagawin ang hearing sa mga ito sa Mayo 10 via teleconference.

Nauna nang isinisisi ng LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kalituhan sa nangyayaring window hour scheme sa ilang bus firm, at sinabing “sinabotahe” nila ang patakaran.