-- Advertisements --
Sisimulan na ng US federal court sa New York ang pagdinig sa kaso ng Grammy-winning US singer R. Kelly.
Nahaharap kasi sa racketeering, sexual abuse at bribery ang R&B singer o Robert Sylvester Kelly sa tunay na buhay.
Mariing pinabulaanan naman nito ang nasabing mga alegasyon kung saan ang iba ay mahigit dalawang dekada ng nangyari umano.
Sakaling mapatunayan ng korte na ito ay guilty makukulong siya ng ilang taon .
Ilan sa mga kantang pinasikat ng 54-anyos na singer ay ang “I Believe I Can Fly”, “Bump n’ Grind” at maraming iba pa.
Noon pang July 2019 ay nasa kustodiya na ng Metropolitan Correctional Center matapos na ibinasura ng korte ang hirit nitong magpiyansa.