-- Advertisements --

Naging simple ang ginanap na renewal of vows nina Heart Evangelista at Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.

Ginanap nitong Pebrero 15 sa Royal Villa sa Balesin Island ang nasabing okasyon isang araw matapos na ipagdiwang ng actress ang kaniyang ika-39 kaarawan.

Kasabay ng kanilang 9th wedding anibersaryo ay dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan at mga kaanak ng dalawa.

Inihatid ang actress ng kaniyang inang si Cecilia Ongpauco sa simbahan na siyang naging dahilang ng espesyal nito dahil noong 2015 ng ikasal ang dalawa ay mag-isa lamang ito ng naglakad sa dambana ng simbahan.

Taong 2015 ng ikasal ang dalawa sa Balesin Island din.