-- Advertisements --

Nananatili pa rin ang lifestyle diseases tulad ng heart attack, diabetes, at cancer ang pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pilipino.

Ayon kay Dr. Timothy Dy, isang cardiologist, ang mga pangunahing dahilan ng mga sakit na ito ay paninigarilyo, high blood pressure, high cholesterol, at maaari ding namamana.

Dagdag niya pa, tinawag itong lifestyle diseases sapagkat nakaaapekto ang pamumuhay ng isang tao sa pagkakaroon ng sakit na ito.

Aniya, kung mahilig mag-ehersisyo ang isang tao at kumakain ng masusustansiyang pagkain, mas mababa raw ang tiyansang magkaroon ng stroke at heart attack.

Pinaalalahanan ni Dr. Dy ang publiko na bawal ang stress at ang sobrang M-A foods: mataba, maalat, matamis, at kumain in moderation lalo na ngayong panahon ng pasko.