-- Advertisements --

Pinagsama ang ganda, galing, at fashion sa bagong tambalan nina Heart Evangelista at Catriona Gray sa larong pickleball.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Heart ang ilang larawan at isang maikling video kung saan makikitang seryoso silang nag-eensayo ng beauty queen na si Catriona sa bagong sport.

Makikita rin ang kanilang sporty at stylish na mga OOTD habang naglalaro.

Kamakailan lamang ay nahilig si Heart sa pickleball, isang patok na racket sport. Bukod sa pagpapakitang-gilas sa court, hindi rin nagpapahuli ang Sparkle star sa pag-flex ng kanyang fashion sa sportswear.

Kaka-uwi lang ni Heart mula sa Dubai matapos tanggapin ang parangal bilang Global Fashion Influencer of the Year sa 2025 EMIGALA Awards.

Sa kanyang pagbisita roon, nakipagkita rin siya sa sikat na Filipino fashion designer na si Michael Cinco at nagsukat ng ilang couture pieces.

Samantala, bagong balik naman si Catriona mula sa isang European trip kasama ang kapwa beauty queen na si Nicole Cordoves. Magkasamang inikot ng dalawa ang Sweden, Switzerland, at Denmark.