-- Advertisements --

Dumating na si Heart Evangelista sa Italy upang daluhan ang Milan Fashion Week 2025.

Sa kaniyang social media ibinahagi ng Global Fashion Icon ang kanyang exciting na pagdating kung saan sinimulan niya ang kanyang Milan adventure sa mga fittings, pagkain ng Italian dishes, at bonding kasama ang kapwa fashionista na si Ginevra Mavilla.

Bago pumunta sa Milan, dumalo muna si Heart sa Paris Fashion Week noong Enero, kung saan nakibahagi siya sa ilang mga palabas mula sa mga nangungunang international fashion brands.

Nitong buwan lang din ay ipinagdiwang ni Heart ang kanyang ika-40 kaarawan sa isang makulay at maningning na party.

Kasama sa mga dumalo ang kanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia, mga kapatid na sina Mich at Cam, ang kanyang asawa na si Chiz Escudero, anak na si Chesi, aktres na si Bea Alonzo, kilalang fashion designer na si Michael Leyva, Harper’s Bazaar Singapore editor-in-chief na si Kenneth Goh, at marami pang iba.

Para sa kanyang BJ Pascual-led birthday photoshoot, nagmukhang kamangha-mangha si Heart sa isang beaded tan Dior dress na may mataas na slit at eleganteng alahas.

Siya rin ay nakatanggap ng isang surprise party mula sa kanyang team bago ang kanyang kaarawan.