-- Advertisements --

Nag-open up ang model/ businesswoman na si Heart Evangelista tungkol sa pinagdaanang parte ng kanyang buhay.

Kung saan sinabi ng artist na maraming gumugulo sa kanyang isipan.

Ayon pa kay Ms. Escudero, sobrang pressure at struggle ang nararamdaman niya ngayon at gusto lang niya makita ang totoong happiness

Pero kahit na ganun, ani niya “hangga’t may buhay, may pag-asa, at sinusubukang makita ang magagandang bagay.”

Na-realize rin niya na ang buhay ay hindi lang tungkol sa mga materyal na bagay, tulad pinakamagandang shade ng lipstick at ang pinakamagandang damit.

Dagdag niya, ang buhay ay tungkol sa simpleng bagay na mahalaga at nagpapasaya sa kanya. (with reports Bombo Merry Chill Emprido)