-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng actress na si Heart Evangelista ang hindi niya pagdalo sa New York Fashion Week ngayon taon.

Sa social media account nito, sinabi niya na hindi tugma ang schedule kaya minabuti niya na lumiban muna.

May mga nauna na itong dadaluhan na importanteng bagay kaysa sa trabaho niya sa Asia, Milan at Paris Fashion Week.

Magugunitang taon-taon ay iniimbitahan ang actress na dumalo sa nasabing mga magagarbong fashion show sa ibang bansa.