-- Advertisements --

Pinarangalan ang actress na si Heart Evangelista bilang “Global Fashion Influencer” ng EMIGALA Awards.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawan niya hawak ang trophy.

Nakasuot ang actress ng strapless na puting gown na gawa ng kilalang designer na si Michael Leyva.

Pinasalamatan ng actress ang bumubuo ng awards giving body.

Magugunitang noong nakaraang buwan din ay nanguna ang actress sa Paris Haute Couture Week 2025.