-- Advertisements --

Agaw pansin ang Twitter post ng aktres na si Heart Evangelista (LoveMarie O. Escudero) na naglilinis ng sahig habang nakapostura ng kaniyang white vintage dress.

Pero agad nilinaw ng panig ni Heart na biro lamang ito at layuning magpatawa.

Nakalagay kasi sa caption ang mga katagang: “Yung bihis na bihis ka pero hindi ka pala kasama.”

Nasa halos 2,500 Retweets na ang larawan at mayroong mahigit 22,000 likes sa loob lamang ng isang oras matapos itong mai-post.