-- Advertisements --

Palaisipan sa ilang netizens kung bakit hindi nakitang dumalo ang ama ng fashion influencer na si Heart Evangelista Heart Evangelista sa vow renewal nito sa asawang si Sen. Chiz Escudero.

Nang magbahagi ang local star ng recap video ng kanyang kasal, makikita ang ilang heartwarming moments ni Heart kasama ang kanyang inang si Cecilia Ongpauco.

Tinanong naman ng ilang followers sa comment section kung bakit wala ang kanyang ama. Sagot ni Heart, nagpapagaling umano ito.

Matatandaan na noong 2019, ibinahagi ng aktres sa isang online post na sumailalim ang kanyang ama sa radiation therapy, isang cancer treatment na gumagamit ng high doses ng radiation para patayin ang cancer cells at paliitin ang mga tumor,ayon sa National Cancer Institute.

Nauna nang iniulat na nag-renew ng vows sina Heart at Chiz noong Huwebes, Feb. 15 sa Balesin Island, na nagsilbing venue din ng kanilang kasal noong February 2015.

Matatandaan din na ibinunyag ni Heart na hindi dumalo ang kanyang mga magulang sa kanilang unang kasal dahil ayaw nilang makipagrelasyon siya sa pulitiko.

Sa isang vlog noong 2021, inihayag ni Cecilia ang kanyang suporta para sa kanilang pag-iibigan, ayon sa ina ni Heart, ang gusto niya sa kanilang pagsasama ay pinapayagan ni Chiz si Heart na mag-grow at mag-mature.

Inihatid ni Cecilia ang kanyang anak sa pasilyo sa katatapos na vow renewal ceremony. Ayon sa Ina, “nine years too late, but made it still.”