-- Advertisements --

Nasa pang-apat na puwesto ang actress na si Heart Evangelista sa top 20 global celebrities in fashion and sportswear ng Launchmetrics Insights’.

Base ito sa “Reinventing Influence: The Gen Z Impact on Fashion Marketing” report ng Launchmetrics Insights na isang cloud-based performance benchmarking software.

Lumabas na mayroong $85 milyon sa Media Impact Value (MIV) ang actress noong 2023.

Ang MIV ay pinapayagan ang mga brands na masukat ang kasikatan ng isang celebrity.

Kabilang din sa Top 20 ang host na si Anne Curtis na mayroong MIV na nagkakahalaga ng $55-M.

Nasa unang puwesto ang Indian actress na si Avneet Kaur na mayroong MIV na nagkakahalaga ng $97-M habang pangalawang puwesto naman si Dominican rapper Anuel na mayroong $96-M MIV.