-- Advertisements --

No regrets si Heart Evangelista sa kabila ng pag-amin na nahirapan ito sa proseso ng unang beses na pagsabak sa action sa katatampukan niyang international movie.

Ayon sa 34-year-old actress, wala kasing extra o double ang kanyang mga action scenes kung saan may pagkakataon na nagtamo talaga siya ng mga sugat.

“(But) When I saw the scenes, it’s really rewarding,” ani Evangelista.

Sa huling bahagi ng 2019 ipapalabas ang premiere ng nasabing international film ni Heart na unang mapapanood sa Hong Kong at Los Angeles.

Gayunman, hindi raw nito tiyak kung ipapalabas din ito sa mga sinehan sa Pilipinas.

Una nang inamin ni Heart o Love Marie Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay, na nag-audition din siya sa pelikulang “Crazy Rich Asians” na kinatampukan ng kapwa Pinay na si Kris Aquino.

Pero hindi raw siya pumasa kasabay ng pagtanggi na magiging kabilang na siya sa sequel ng naturang American romantic comedy film.