Iniimbestigahan ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang mahigit 800 kaso ng pambihirang heart problems dulot ng Pfizer-BioNTech at Moderna COVID-19 vaccines.
Sinabi ni CDC Immunization Safety Office deputy director Dr. Tom Shimabukuro na susuriin nila ang posibleng “imbalance” na nangyari.
Base sa hinahawakan nilang data, nasa 12-anyos hanggang 24-anyos ang nakaranas ng heart problem cases matapos maturukan ng bakuna.
Nakapagtala ang ahensya ng 226 cases ng myocarditis (mayocardaytis) o pericarditis sa mga nabakunahang 30-anyos pababa.
Nasa 216 katao ang nakaranas ng myocarditis o pericarditis matapos maturukan ng one dose ng Pfizer-BioNTech o Moderna habang nasa 573 naman ang nakaranas ng nasabing problema pagkatapos maturokan ng second dose.
Ang myocarditis (mayocardaytis) ay ang kondisyon na kinabibilangan ng pamamaga ng heart muscle o myocardium.