-- Advertisements --
Mismong ang bokalista ng American rock band na Incubus ang nagbida sa matagumpay na art collaboration sa Pinay socialite na si Heart Evangelista.
Ito’y mahigit isang buwan mula nang ianunsyo ng misis ni “Chiz” Escudero ang aniya’y munting proyekto para sa kanyang talento sa pagpipinta.
Kabilang sa mga ipinost ng Incubus vocalist na si Brandon Boyd ang painting nila ni Heart, na kapwa nabuo raw na may labis na effort.
Nabatid na limang beses nang nag-concert sa bansa ang Incubus na nasa likod ng classic hits na “Megalomaniac,” “Wish You Were Here,” “Nice To Know You,” at iba pa.
Taong 2018 nang huling pasayahin ng Incubus ang kanilang Pinoy fans.