Sisimulan na ni Heart Evangelista ang pangako nitong pagbigay ng tablet para sa mga estudyanteng walang pambili ng gadgets para sa online classes.
Ito’y matapos maibenta na ng 35-year-old socialite ang ilan sa kanyang paintings kung saan ang lahat ng proceeds o kinita ay ang nagsilbing budget niya.
Nasa 550 tablets ang nabili ng celebrity wife ni Sorsogon Gov. “Chiz” Escudero pero umapela ng pag-unawa sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe sa kanya kung hindi agad mapansin.
Nabatid na “back to work” na uli si Heart o Love Marie sa tunay na buhay kung saan sumabak ito muli sa taping at interviews.
“I need to work now guys … everyone in my dm please bear with me … sending assistance once online banking is ok again. 🙏🏻God bless you guys” ang tweet nito.
Kung maaalala, bawal muna ang face-to-face classes hangga’t walang bakuna laban sa coronavirus kaya inirekomenda ng Department of Education ang “blended/distance learning approach” para sa class opening sa