-- Advertisements --

Nagpasya ang Miami Heat na pakawalan na si Meyers Leonard.

Ito ay ilang linggo matapos na patawan ng $50,000 na multa at suspendihin ang kanilang center dahil sa labis na pagmumura habang naka-livestream ng kaniyang online game.

Ipapalit ng Heat ang 29-anyos kay Trevor Ariza ng Oklahoma City Thunder at ang pagkuha nila ng 2nd round-pick sa 2027 draft.

Pumayag naman si Leonard sa nasabing desisyon ng koponan.

Magugunitang pinatawan ng isang linggong suspension ng Heat at pinatawan ng $50,000 na multa ang Heat center dahil sa labis na pagmumura s live game-session.