Desidido pa rin si Miami Heat forward Derrick Jones Jr , na makapaglaro sa muling pagbabalik ng NBA kapag gumaling na ito sa coronavirus.
Isa kasi ang 23-anyos na player na nagpositibo sa virus matapos ang isagawang testing ng NBA ilang linggo bago ang muling pagbabalik ng mga laro sa liga.
Agad na nag-quarantine ito para hindi na ito makahawa at mabilis ng gumaling.
Nitong Huwebes kasi ay sumailalim ang lahat ng mga players at empleyado ng Heat bilang paghahanda sa pagbabali ng mga laro na gaganapin sa Disney Wide World of Sports Compex sa Orlando, Florida.
Mayroong average points si Jones ng 8.9 points, 4.2 rebounds, 1.1 assist per game at 1.1 steals per game.
Ilan lamang mga players ng NBA si Jones na nagpositibo sa nasabing virus kahit na ito ay asymptomatic kung saan ilan sa mga nagpositibo sa virus ay sina Sacramento Kings guard Buddy Hield, Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon, Kings forward Jabari Parker at center Alex Len.