-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng ilang linggo si Miami Heat guard Jimmy Butler.

Ito ay matapos na magtamo siya ng injury sa kanang tuhod ng talunin sila ng Philadelphia 76ers.

Natumba kasi si Kelly Oubre Jr ng Sixers na tumama sa kaniyang tuhod sa unang quarter ng nasabing laro.

Sasailalim ang 34-anyos na si Butler sa ilang pagsusuri para matiyak na hindi malala ang nasabing injury nito.

Si Butler ay mayroong average na 20.8 points, 5.3 rebounds at 5.0 assists kada laro.