-- Advertisements --
clevaland cavaliers cavs
Cleveland Cavaliers (photo from @cavs)

Pinahiya ng Cleveland Cavaliers ang Charlotte Hornets, 100-98.

Sumandal ang Cavs sa balanseng opensa ng mga players kung saan lima sa mga ito ang nagtala ng double figures.

Nanguna sa diskarte sina Colin Sexton na may 23 points, habang si Kevin Love ay merong double double gamit ang 16 points at 14 rebounds.

Ang Fil Am na si Clarkson ang naging produktibo mula sa bench na may 10 points sa loob ng 25 minuto na paglalaro.

Ito na ang ikapito pa lamang na panalo ng Cavs dahil meron na silang 21 talo.

Ang Hornets naman ay hawak ang 13-18 kartada.

Nanguna sa bigong kampanya ng Hornets si Terry Rozier na kumamada ng 35 big points.

Sa ibang game, nakabangon naman sa sunod-sunod na pagkatalo ang Miami Heat nang idispatsa ang Philadelphia Sixers.

Nakaalpas ang Heat sa dikitang laban at sa huling bugso ng Sixers sa huling sandali ng game.

Liban dinto nagawa ring idiskaril ng Miami ang big game ni Joel Embiid na may 22 points at 19 rebounds.

Sa panig ng Heat umeksena si Bam Adebayo na nagtapos sa 23 poinst at 9 rebounds.

Naging epektibo ang zone defense ng Heat dahil winasak nila ang unbeaten record ng 76ers sa kanilang teritoryo.

Ang next game ng Heat ay ang pagdayo sa kanila ng Knicks sa Sabado.

Ang 76ers naman ay makikipagbanggaan sa Dallas at sa Linggo ay kontra sa Washington.