BUTUAN CITY – Inaasahang maglalaro sa pagitan ng 37 hanggang 42-degrees Celsius ang heat index na mararanasan nitong lungsod ng Butuan ngayong buong buwan ng Abril.
Ito’y base na rin sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ngunit inaasahang tataas pa ito kungsaan ngayon araw, ay nasa 39-degrees Celsius lamang ito.
Ayon kay PAGASA-Butuan chief meteorological officer Ver Lance Galanida, posibleng kagaya nitong nakaraang Marso ng taong 2023, aabot din sa 48-degrees Celsius ang heat index nitong lungsod ngayong buwan.
Kaugnay nito’y pinapayuhan ng opisyal ang publiko na iwasang lumabas lalo na kung ma-tirik ang araw upang maiiwasan ang heat exhaustion at heat stroke na pwedeng ikamamatay ng tao.