-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Mahigpit ang paalala ng mga eksperto sa publiko na dapat mag-ingat dahil sa napakainit na sikat ng araw.

Kung hindi na importante ang mga pupuntuhan huwag munang aalis ng bahay.

Ayon kay Venrio Biñan, forecaster ng Pagasa GenSan na possibleng mas maging mainit pa ang temperatura sa lungsod sa susunod na mga araw.

Napag-alaman na base sa forecast, March 28, 2023 ay nasa 48 degrees celcius ang maximum heat index sa lungsod na isa sa pinakamainit na lugar sa buong Pilipinas.

Ang heat index ay ang init na naramdaman ng mga tao.