-- Advertisements --

Pumalo sa danger category ang naitalang temperatura sa Makati City ngayong araw.

Ayon sa data ng Disaster Risk Reduction and Management Office, na-monitor ang 43.5 degrees Celsius na init kaninang alas-11:17 ng umaga.

Batay sa effect-based classification ng Department of Science and Technology (DOST), ang nasabing init ay pasok sa matatawag na danger level.

Mula kasi sa 42 hanggang 51 degrees Celsius ay maaari nang magdala ng panganib sa mga taong makakaranas nito.

Ang labis na pagkakalantad sa ganitong temperatura ay maaaring magresulta sa heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.

Payo ng mga eksperto, uminom ng tubig nang madalas upang maiwasan ang masamang epekto ng labis na init ng panahon.

Maliban sa Makati, nakapagtala na rin ng matinding init ang Catanduanes, Cotabato, Pangasinan at Cagayan.