MIAMI – Lalo pang umiinit ang pamamayagpag ng Miami Heat matapos na magtala ng panibago na namang panalo kontra sa Charlotte Hornets, 108-101.
Dahil sa panalo ng Heat na umabot na sa 31 sa kabuuan, kalahating laro na lamang ang kailangan para mapantayan ang number 7 na Detroit at ang number 8 na Chicago sa Eastern Conference standings.
Si Dion Waiters ang bumida sa kanyang biggest shot na 3-pointer samantalang 45 segundo na lamang natitira upang selyuhan ang panalo ng Miami.
Siya ay may kabuuang 24 points, habang si Goran Dragic naman ay tumulong sa 22 points at 10 assists, si Hassan Whiteside ay meron ding double-double na 10 points at 15 rebounds.
Sa kabuuan hawak na ang 20 panalo ng Miami (31-34) sa kanilang huling 24 games, na kinilala bilang NBA best record sa performance.
Sa panig naman ng Charlotte (28-36) nanguna sina Kemba Walker na umiskor ng 33 points, Nicolas Batum na may 16, at 14 points naman kay Marvin Williams.
Lumalabas sa stats na kumamada ang Miami sa puntos laban sa Charlotte sa 27-15 sa final quarter.
Nakagawa ang Heat ng 17 mga 3-pointers o 51-21 kumpara sa Hornets.