Nakabangon mula sa pagkakabaon sa 17 points noong first half ang Miami Heat upang gulatin muli ang Boston Celtics at ilista ang isang comeback win sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference Finals series, 106-101.
Tulad ng Game 1 ay akala ng fans na kontrolado na ng Celtics ang laban matapos nilang tambakan ang Heat, ngunit kumayod nang husto ang Miami para makuha ang 2-0 lead sa kanilang serye.
Naglunsad ang Heat ng 20-4 run para mapasakamay ang kontrol ng sagupaan at lumamang pa ng pitong puntos sa 4th quarter.
Ayon kay Heat coach Eric Spoelstra, gumamit sila ng matinding depensa kontra sa Celtics upang mawala ang rhythm nito at pumalso sa bawat tirada sa ring.
Marami naman ang napanganga sa diskarte ni Spoelstra dahil naiba nito ang laro ng malakas na Boston.
Namayani sa Heat si Goran Dragic na umiskor ng 25 points, habang si Bam Adebayo, na siyang nanguna sa third-quarter rally ng Heat, ay nagtapos na may 21 points.
Hindi naman nagbunga ang 23 points ni Kemba Walkers, maging ang tig-21 points nina Jaylen Brown at Jason Tatum.
Idaraos naman ang Game 3 sa araw ng Linggo (oras sa Pilipinas).