-- Advertisements --

Umusad na sa Eastern Conference semifinals ang Miami Heat makaraang mawalis nila ang Indiana Pacers, 99-87.

Namuno sa Heat si Goran Dragic na tumabo ng 23 points, na dinagdagan ni Bam Adebayo na nagpamalas ng 14 point, 19 rebound performance.

Ang layup ni Dragic sa pagtatapos ng third quarter ang nagbigay sa Heat ng walong puntos na abanse.

Bagama’t nagpumilit ang Pacers na makahabol sa nalalabing tatlong minuto kung saan natapyasan nila sa 91-85 ang iskor, sumandal sa depensa ang Miami upang tuluyang masikwat ang panalo.

Hinihintay na lamang ngayon ng Heat kung sino ang magwawagi sa serye naman ng Milwaukee Bucks at Orlando Magic.

Hindi naman nagbunga ang 25 points ni Victor Oladipo, maging ang 22 points at 14 rebounds ni Myles Turner para sa Pacers, na nabigo sa first round ng playoffs sa ikalimang sunod na season.