-- Advertisements --
Bam Adebayo
Bam Adebayo

Balik na sa paglalaro ang isa sa big man ng Miami Heat na si Bam Adebayo.

Ito ang kinumpirma ng team, ilang minuto bago magsimula ang Game 4 laban sa Los Angeles Lakers.

Sa kabila nang panalo ng Heat sa Game 3, abanse pa rin ang Lakers sa serye, 2-1.

Samantala nilinaw naman ng Miami na hindi pa rin makakalaro si Goran Dragic dahil sa mas mahirap ang kalagayan nito na torn left plantar fascia.

“#LALvsMIA INJURY UPDATE: Bam Adebayo (neck strain) will play in tonight’s #NBAFinals Game 4 vs the Lakers. Goran Dragic (foot) has been ruled out,” bahagi ng Twitter announment ng team.

Una rito kahapon ay halos emotional sina Adebayo at Dragic sa kanilang panghihinayang na hindi makalarao sa NBA Finals.

Nasa 38 points ang ginagawang puntos ng dalawa kung pagsasamahin sa buong playoffs.

Magugunitang nakuha ng Lakers ang unang dalawang panalo at sa Game 3 ay nakabangon ang Heat sa pamamagitan ng 40 points na nagawa ni Jimmy Butler.