-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naging kaabang-abang ang ginanap na Game 1 NBA finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat kung saan tinutokan ito ng buong mundo.

Marami ring mga sports analyst ang naglabas ng kanilang obserbasyon, at isa na dito si US Bombo correspondent Daniel Guden.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Guden, inihayag nitong naging fair and square ang laro ng dalawang teams dahil walang homecourt advantage.

Mistulang binigyan rin umano ng leksyon ng mga beteranong players ng Lakers ang mga rookie ng Heat sa unang sabak ng mga ito sa kampeonato.

Ngunit dagdag ni Guden, maaaring maagaw ng Heat ang kampeonato kapag palaging ipapasok ang kanilang mga pambato katulad nina Lebron James, Anthony Davis at Rajon Rondo at kinalauna’y mapapagod ang mga ito.