-- Advertisements --
Tinanghal si Miami Heat star Tyler Herro bilang three-point shooter ng 2025 NBA All-Star game.
Tinalo nito si Buddy Hield ng Golden State Warriors sa score na 24-23.
Siya ang pang-limang Heat player na makakuha ng titulo na una ay nakuha ni James Jones noong 2011.
Sinabi ni Herro na naging masuwerte lamang ito sa kaniyang tira at hindi niya inasahan na matatalo niya si Hield na siyang nagkampeon noong 2020.