Muling ipinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 30-minutong “heat stroke break” .
Ang nasabing panuntunan ay para lamang mga manggagawa ng MMDA na nasa labas gaya ng mga traffic enforcers at street sweepers.
Layon ng nasabing polisiya na protektahan ang kanilang manggagaawa sa anumang sakit na dulot ng matinding init ng panahon.
Sinabi naman ni MMDA chairman Atty. Romando Artes, na magkakaroon ng scheduling ng nasabing “heat stroke break” para mapanatili nila ang kanilang presensya sa kalsada at hindi maapektuhan ang mga operasyon nila.
Ang polisiya na ipapatupad ng hanggang Mayo 31 ay papayagan ang mga MMDA personnel na magpahinga ng 30 minuto depende sa kanilang schedules.
Dagdag pa ni Artes, na bibigyan din sila ng karagdagan 15 minutong break kung ang heat index sa Metro Manila ay pumalo ng mahigit 40 degrees Celsius.