-- Advertisements --

LA UNION – Ang sakit na heat stroke ang isa sa mga pinaka-delikadong sakit sa panahon ng tag-araw lalo na ngayong matindi ang init ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union ni Dr. Hector Benias, ang provincial health officer sa lalawigan, pinayuhan nito ang publiko na mahalaga na alam ng bawat isa ang kondisyon ng kalusugan, kung may sakit ba sa puso o may asthma, dahil nagdudulot ang mga ito ng komplikasyon kapag umatake ang sakit sa panahon ngayon.

Aniya kung alam ang kondisyon ng kalusugan, mas malaki ang tiyansa na maiwasan ang life threatening na sakit dahil maiiwasan ang mga dapat iwasan, lalo na ang hindi pagbababad sa araw at pag-inom ng maraming tubig.

Kabilang sa mga sintomas ng heat stroke ay pagkahilo, pagsusuka at pagkawala ng malay.

Maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ang iba pang heat related disorder gaya ng prickly heat, dehydration, sore eyes, skin diseases na sanhi ng fungus at iba pa.