Patay ang daan-daang katao matapos tupukin ng wildfire ang lugar ng Lytton , isang Village sa British Columbia sa Canada.
Sa loob lamang 15 minuto umabot sa halos 90 % percent ng Village ang nasunog dahil sa wildfire.
Sanhi ito ng naitalang pinakamataas na temperatura sa lugar na umabot sa 49. 6 degree celcius katumbas ng 121.3 f.
June 30, 2021 ng gabi, July 1 naman ng umaga dito sa Pilipinas pina-evacuate na ng Mayor ng Lytton ang mga nakatira doon bago ang nasabing wildfire.
Karamihan naman sa 486 na namatay sa British Columbia ay mga nakatirang mag-isa na walang vintelation ang bahay.
Ang mga residente ng Lytton na lumikas ay halos walang dalang mga gamit dahil sa mabilis na pagtupok ng wildfire sa naturang lugar at pansamanatalang inilipat sa 260 km(162 miles) northeast ng Vancouver.
Sa ngayon ang galawan ng weather system ay papuntang eastwards sa probinsiya ng Prairie, ang Alberta, Saskatchewan at iba pang bahgi ng Manitoba ay inilagay na sa Environment Canada Heat Warnings.
Hindi rin nakaligtas sa heatwave ang mga kalapit na mga lugar gaya ng Vancouver sa British Columbia na nakapagtala na ng 65 na patay, sa State ng Oregon kung saan may 60 na naitatalang patay at 20 naman sa Washington State.
Sa Seattle, Portland naman at ang mga kalapit na mga siyudad nito ay nakapagtala na ng pinakabagong heat records na umakyat sa 46 degree celcius.
Ang Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau at si US President Joe Biden ay nagbabala na rin dahil sa threat ng wildfires.