-- Advertisements --

Dumating na sa Mindanao partikular sa pier ng Iligan ang barko ntg Philippine Navy na dala ang ilang mga heavy equipment na gagamitin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Bukod sa mga heavy equipment may dala ding mga kahon kahong mga relief items na siyang ipamamahagi sa mga internally displaced persons.

Lulan ng BRP Davao del Norte ang mga heavy equipment, kabilang dito ang ilang payloader at back hoe.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt Gen. Carlito Galvez, gagamitin ang mga ito sa pagtatayo ng mga pansamantalang tahanan sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan.

Sa ngayon, pansamantalang mananatili ang mga heavy equipment sa Balo-i, Lanao del Norte, katabing-bayan ng Marawi.

Pahayag ni Galvez na pwede na silang umpisahan ang re-construction sa mga tinaguriang iconic structires na nasira sa labanan.