-- Advertisements --
image 175

ROXAS CITY – Sinunog ng pinaniniwalaang rebeldeng grupo ang isang dump truck at backhoe ng MBM Construction sa ginagawang kalsada sa Barangay San Jose, bayan nga Jamindan, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Police Lieutenant Jobert Delos Reyes, Acting Chief of Police ng Jamindan Municipal Police Station, sinabi nito na base sa mga nakasaksi sa insidente, nasa 6 na armadong kalalakihan ang may kagagawan nito, kung saan ang apat umano ay naatasang magpahinto sa mga motoristang dumadaan upang hindi makapasok sa lugar habang ginagawa ang pagsunog sa nasabing mga heavy equipment.

Hindi pa sa ngayon makumpirma ni delos Reyes, kung mga miyembro ba ng Communist Terrorist Group na CPP-NPA ang 6 na kalalakihan dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

Nakipag-ugnayan na rin ang kapulisan sa Philippine Army na katulong nila sa pagsagawa ng clearing operation.