-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tinutugis na ng mga kapulisan ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na responsable sa panununog ng isang heavy equipment sa bahagi ng Columbio, Sultan Kudarat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PNP-12 spokesperson Lt. Col. Lino Capellan, sinunog ng limang miyembro ng nagpakilalang NPA ang isang 10-wheeler truck ng Gemma Construction sa bahagi ng Brgy. Sinapulan, Columbio, Sultan Kudarat dahil hindi umano hindi nagbayad ng revolutionary tax ang naturang kompaniya.

Hindi naman sinaktan ang mga empleyado sa naturang insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ang kabuuang pinsala na idinulot ng panibagong torching incident ng NPA.

Kun matatandaan ay sinunog rin ng naturang grupo ang tatlong heavy equipment sa isang quarry site sa bayan ng T’boli, South Cotabato.