-- Advertisements --
Naghain ng $2 million na trademark infringement ang Heavy Metal band na Iron Maiden laban sa video game company na pinangalanang “Ion Maiden”.
Ayon sa banda, na sinasamantala ng 3D Realm company ang kanilang kasikatan para maibenta sa publiko ang kanilang mga produkto kabilang na ang video game.
Iginigiit ng British rock group na ang titulong “Ion Maiden” ay kasing tunog at malapit sa kanilang pangalang IRON MAIDEN.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naghain ng kaso ang isang banda dahil noong nakaraang buwan ay nagsampa rin ng kaso ang bandang Guns N’ Roses laban sa isang kumpanya ng alak na gumaya sa kanilang pangalan.