-- Advertisements --
SlipKnot
Slipknot/ FB image

Inanunsiyo ng heavy metal band na Slipknot ang kanilang gagawing kauna-unahang concert sa bansa.

Sa social media post ng organizer na Pulp, gaganapin ang concert ng banda sa March 29, 2020 sa Amoranto Stadium sa Quezon City.

Kabilang kasi ang Pilipinas na napili ng American band sa kanilang tour sa bago nilang record na “We Are Not your Kind”.

Magsisimulang magbenta ng tickets sa Nobyembre 23, 2019 sa halagang P6,600, P5,500 at P2,200.

Sa nasabing album napasama ang kanta nilang “Unstained” sa pagiging numero uno sa US Billboard 200 charts noong Agosto.

Binubuo ito ng kanilang singer na si Corey Taylor, Joey Jordison, Shaw Craham, at Jim Root.

Nakilala ang banda sa pagsuot ng mga maskara sa kanilang mga concert na binuo noong 1995.