-- Advertisements --

Inanunsiyo ng heavy metal band na Slipknot ang mga bagong petsa ng concert nila sa Asia sa susunod na taon.

Ipinagpaliban kasi ng banda ang kanilang Knotfest Japan dahil sa coronavirus pandemic.

Mangunguna ang banda sa Knotfest Japan sa Enero 10 at 11, 2021.

Unang itinakda kasi ang nasabing petsa noong Marso subalit minabuti nilang kanselahin na ito dahil sa pagdami ng mga kaso ng nadadapuan ng coronavirus.

Ilan sa mga makakasama ng banda sa Knotfest Japan ay ang Slipknot, Korn, Marilyn Manson at maraming iba pa.