-- Advertisements --

Hindi pa rin tinatanggal ng Department of Science and Technology ang nakataas na Orange Rainfall Warning o Heavy Rainfall Warning sa ilang mga probinsya sa Central Luzon at Ilocos, sa kabila ng tuluyang paglisan ng bagyong Carina sa Pilipinas.

Sa Ilocos Region, nananatiling nakataas ang Red Rainfall Warning sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, La Union, at Pangasinan.

Hanggang kaninang 5AM, nakataas rin ang Orange warning sa mga probinsiya ng Zambales, Bataan, Pampanga, at Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan kung saan nananatili ang banta ng mga malalakas na pag-ulan at ang tuloy-tuloy na pag-apaw ng mga kailugan dulot nito.

Ang mga naturang probinsya ay una nang itinaas sa naturang kategorya nitong mga nakalipas na araw habang nananatili namang lubog sa tubig-baha ang marami lugar dito, dulot ng mga naturang pag-ulan.

Hindi rin inaalis ng ahensiya ang posibleng pagguho ng lupa sa mga ito kasabay ng tuluyang paglambot nito dahil sa pagkakababad mula sa pag-ulan.

Samantala, maliban sa Central Luzon, nakataas din sa orange warning ang Abra (CAR).