Itinaas ng Department of Science and Technology (DOST) sa Yellow warning ang ilang bahagi ng Luzon, dahil sa patuloy na paglakas ni bagyong ‘Julian’ sa ilang lugar.
Sa pinakabagong ulat ng state weather bureau, bandang alas dos ng hapon, naka-heavy rainfall warning no. 3 ang mga sumusunod na lugar:
- IlocosNorte
- IlocosSur
- Apayao
- Batanes
- BabuyanGroupofIslands
- NorthernCagayan (SantaAna, Gonzaga, SantaTeresita, Lallo, Gattaran, Buguey, Camalanuigan, Lasam, Allacapan, Ballesteros, Aparri, Abulug, Pamplona, SanchezMira, Claveria at SantaPraxedes.)
Ayon sa DOST, posibleng makaranas ng pagbaha at landslide sa flood-prone areas sa mga nabanggit na lugar.
Asahan naman ang mahina, katamtaman, at paminsan ay mabigat na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, La Union, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at nalalabing lugar sa Benguet na mananatili ng dalawa hanggang tatlong oras na puwedeng makaapekto sa iba pang lugar.
Samantala, asahan din ang mahina at katamtaman na pag-ulan sa Pangasinan, at iba pang bahagi ng Benguet at Aurora sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Abiso ng Disaster Risk Reduction and Management Offices, manatiling nakatutok sa kanilang mga ulat sa susunod na tatlong oras at lumikas ang mga nasa matataas na lugar na posibleng makaranas ng landslide at flash floods.