-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest na pumasok sa mundo ng wrestling si heavyweight boxing champion Anthony Joshua.

Sinabi nito na gaya ng ginawa noon ni Muhammad Ali ay nais din niyang maranasang sumabak sa wrestling.

Unang boksingero na nagkaroon ng official match sa WWE ay si Floyd Mayweather Jr ng makaharap niya si Big Show sa Wrestlemania 14.

Habang huling boksingero na lumaban sa WWE ay si WBC world heavyweight champion Tyson Fury ng makaharap si Braun Strowman noong 2019 sa Crown Jewel event sa Saudi Arabia.