Matinding depensa at mainit na shooting sa 3-point area ang ginamit na sandalan ng Milwaukee Bucks upang igupo ang karibal na top team ngayon sa NBA na Los Angeles Lakers, 111-104.
Ang katatapos lamang na heavyweight matchup ay kinatampukan ng tatlong MVP candidates na sina Giannis Antetokounmpo at sina Anthony Davis at LeBron James ng Lakers.
Sa first quarter pa lamang ay agad na nakauna ang Bucks at kanilang naipako sa season-low na 17-point ang Los Angeles kung saan abanse pa sila ng anim na puntos.
Ang ang reigning MVP na si Giannis ay nagpakita naman ng matinding laro nang magtala ng career-high na limang three pointers mula sa walong pagtatangka.
Ito ay liban pa sa natipon na 34 points, 11 rebounds at seven assists.
Pilit naman siyang tinapatan ni Davis na nagpakita ng 36 points, 10 rebounds at five assists.
Habang si James ay nagtala ng triple double performance pero nasayang lamang ang kanyang naiposte na 21 points, 12 rebounds at 11 assists.
Nagpadagdag sa kamalasan ng Lakers ay dahil inalat sa tira ang kanilang mga bench players.
Sa ngayon hawak na ng Milwaukee ang 25 panalo at apat na talo, habang ang Lakers ay 24 wins at 5 losses.
Ang banggaan ng Bucks at Lakers ay una nang binansagan ng ilang sports analysts bilang preview daw ng NBA finals.
Samantalang sa panig ng Bucks hindi lamang si Antetokounmpo ang sinuwerte sa 3-point area na may kabuuang 16-of-39 kundi uminit din si George Hill mula sa bench na may 21 points kasama na ang 3-of-5 shooting behind the arc at apat pang mga kasama.