-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – May payo ang isang sports analyst kay Toronto Raptors coach Nick Nurse upang makabawi sa Golden State Warriors sa Game 3 bukas ng best of 7 series ng NBA Finals.

Ayon sa beteranong sports writer na si Fred Lumba, mainam na gamitin ng Raptors ang height advantage ng kanilang mga players kagaya ni Marc Gasol.

Maari umanong patirahin din ito sa low post upang ma-foul out ang ilan sa mga big men ng two-time defending champion.

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Lumba na kinakailangang maka-steal ng team nina Kawhi Leonard ng kahit isang laro sa Games 3 at 4 na gaganapin simula bukas sa Oracle Arena sa Oakland, California, na balwarte sa kalaban, upang maibalik sa kanila ang momentum ng laro.

Dahil kapag mabibigo umano sila at maging 3-1 ang serye ay posibleng ma-pressure na sila sa pagbabalik sa kanilang balwarte sa Game 5, at maging manipis ang kanilang tsansang maagaw ang kampeonato.