Nais ng ilang mambabatas na hindi makapag avail ng benepisyo ng Good Conduct Time Allowance Law ang mga convicted dahil sa kasuklam-suklam na krimen.
Binigyan diin ni Representatives Paolo Duterte (1st District, Davao City) at Eric Yap (Lone District, Benguet), ang kanilang iminumungkahi ay upang maayos ang loophole sa naunang Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance Law.
Matatandaan na taong 2013, ang mga persons deprived of liberty ay magkakaroon ng pagkakataon na mabawasan ang prison sentences dahil sa good conduct sa loob ng piitan.
Umabot naman ng halos 2,000 na mga convicted of heinous crime ang mga nakalaya noong 2019.
Ayon kay Rep. Duterte at Yap, sa kanilang ipinasa na House Bill 4649, ang good conduct sa panukalang batas na ito ay tumutukoy sa aktibong pakikiisa ng persons deprived of liberty sa mga rehabilitation programs, pagkakaroon ng partisipasyon sa work activities o ang huwarang kawang gawa, kailangan rin na taos-puso ang panghihingi ng tao sa pamilya ng biktima at siguradong tatalima na sa batas.
Dagdag pa nila, ang pagpapalaya sa mga heinous-crime convicts ay isang bansa sa seguridad ng publiko.