-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nakatakda nang dalhin sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang mga heinous crime convicts na nakalabas sa piitan dahil sa Good Conduct Time Allowance Law.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Regional Office 6 Spokesperson Police Lt. Col Joem Malong, sinabi nito na dadalhin na sa darating na Setyembre 20 sa nasabing piitan ang mga convicts na kusang sumuko.

Ayon kay Malong, sa kanilang data, mayroong 144 na mga GCTA benefeciaries sa Region 6, kung saan 44 na sa mga ito ang boluntaryong sumuko.

Ani Malong, hinihintay pa nilang sumuko ang ibang convicts hanggang sa matapos bukas ang ultimatum na ibinigay ni Presidente Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Malong , nakahanda silang tumulong sa Bureau of Jail Management and Penology upang mapasiguro ang mas mahigpit na seguridad sa pagtransport sa mga convicts.